Quezon Association of the Midwest - QAM - Filipino Organization in Chicago
Return to the Homepage
The Quezon Association of the Midwest
Home Officers Organized Towns Calendar Muses Membership
News Pictures QAM Talk Shop Links Contact

QAM Is NO.1


Ni Peping L Brucal

posted 10/31/2002



Akin ngayong babalikan mga taong nakalipas
Mga taong noong una'y nababalot niyong ulap
Ngunit habang tumatagal ay nagiging maliwanag
At ngayon nga'y isang moog na matibay, aliwalas.

Itinatag ang QAM ng naunang disipolos
Noong taong '67 sa Chicagong ating lungsod
Ilan lang ang nag-buo ngunit sa puso ay taos
Na ibangon at itindig adhikaing niloloob.

Ang naunang presidente o pangulo ng samahan
Ay si Mr. Vic Correa ng Lucena na siyudad
Oo nga at ilan lang ang nag-buo at nagtatag
Ngunit sila ay masidhi, masigasig at masipag.

Mapapansing taon-taon ang samaha'y umuunlad
Dumarami ang kasapi na may pusong binusilak
Nakangiting tumutulong sa ginhawa at sa hirap
At para bang usa lang na pamilyang matatawag.

Sa loob ng mga taong itinagal ng QAM
Ay marami ang nagawa at pagtulong na taimtim
Ang malaki'y Scholarships, hanggang ngayon sa Philippines
Kaya naman kaming ito'y tuloy pa rin ang fund-raising.

Ang isa pang malaki ring ginagawa ng Quezonian
Ay tumulong sa mahirap sa atin pong lalawigan
Ang atin pong Medical Group nagsasadya't nagbibigay
Sako-sakong mga gamot panglunas sa karamdaman.

Bukod diya'y marami pang ibat-ibang mga tulong
Na lagi ng ginagawa sa loob ng isang taon
Kami po ay dumadalaw sa pasyente ng Nursing Home
Upang sila ay aliwin at alayan ng abuloy.

Iyan po ay ilan lamang, halimbawang inihanay
Ng samahan ng QAM, may kaisa't pagmamahal
Kaya namin nararating ang tugatog ng tagumpay
Pagkat kaming taga-Quezon ay may pusong hindi bakal;
Bilang wakas na salita na sa inyo'y ibibigay
Wala sanang magagalit, ang QAM ay No. 1.

Home Officers Organized Towns Calendar Muses Membership
News Pictures QAM Talk Shop Links Contact